Simula nang mag-isang ipatupad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug war ni Pangulong Duterte, umabot na sa 1,341 operasyon ang naisagawa ng ahensiya hanggang ngayong Nobyembre 2017.

Sa ulat ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, nagsimula ang kanilang operasyon nitong Oktubre 10 at hanggang nitong November 10 ay nakapagsagawa na ng PDEA ng 1,341 operasyon.

Sa nasabing bilang, 404 ang naaresto at may kabuuang P53.83 milyon ng ilegal na droga ang nakumpiska, ayon kay Aquino.

“This is 80.5 percent more than the operations conducted the previous month. As a result, a 14.4 percent increase in the number of arrested drug personalities was recorded,” saad ni Aquino.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nabatid na ang kabuuang halaga ng dangerous drugs, controlled precursors at essential chemicals (CPECs) na nasamsam sa nasabing panahon ay 233.3 porsiyento ang itinaas kumpara sa nakalipas na buwan.

Sa mga nakumpiska, 6.16 kilograms ay shabu, na may street value na P30.8 milyon, kumpara sa 1.87 kilo (P9,350,000) ng shabu na nasamsam noong nakalipas na buwan, o tumaas ng 229.4 na porsiyento.

“Failure is never an option when we took upon the sole authority in bringing order to country’s anti-drug campaign. We may be undermanned, underequipped and underfunded, but we continually strive to achieve more than what is expected,” giit ni Aquino. - Jun Fabon