Ni Marivic Awitan

MAKAUSAD sa kampeonato sa ikalawang sunod na taon ang tatangkain ng Ateneo de Manila sa pagsalang nito ngayong hapon kontra season host Far Eastern University sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament Final Four round sa Araneta Coliseum.

La Salle's Ricci Rivero blocks Adamson's Sean Manganti during the UAAP Season 80 Semifinals Game 1 at Smart Araneta Coliseum, November 18, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
La Salle's Ricci Rivero blocks Adamson's Sean Manganti during the UAAP Season 80 Semifinals Game 1 at Smart Araneta Coliseum, November 18, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Kahit natalo sa huling laban nila kontra defending champion at archrival nilang De La Salle sa pagtatapos ng eliminations, tumapos pa ring no. 1 ang Blue Eagles na gaya ng Archers ay may taglay ding bentaheng twice-to-beat kontra sa fourth seed Tamaraws.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 4:00 ng hapon kung saan tatangkain ng Eagles na kumpletuhin ang dominasyon ngayong season kontra Tamaraws na dalawang beses nilang ginapi sa eliminations.

Inaasahang ibubuhos ng Blue Eagles ang kanilang kagustuhang makabangon mula sa pagkakaudlot ng tangka nilang sweep ng eliminations sa Tamaraws na tiyak namang gagawin ang lahat upang hindi pa matapos ang kanilang kampanya ngayong Season 80.

Muling sasandigan ng Blue Eagles para sa tangkang makabalik sa winning track at higit sa lahat sa finals sina Mythical Team member Thirdy Ravena, Isaac Go, Matt Nieto, Raffy Verano at Vince Tolentino.

Sa panig naman ng Tamaraws, inaasahang muling mangunguna para sa tangkang patuloy na buhayin ang tsansang makasingit sa finals sina Ron Dennison, Richard Escoto, Arvin Tolentino, Prince Orizu at Wendell Cowboy.