Ni: Gilbert Espena

INIHAHAYAG ng Watanabe Gym ang light flyweight unification bout nina WBA championRyoichi Taguchi ng Japan at IBF titlist Milan Melindo ng Pilipinas sa Disyembre 31 sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.

Ito ang unang pagkakataon na magiging New Year’s Eve main event si Taguchi matapos magretiro ang kanyang stablemate na si dating WBA super featherweight champion Takashi Uchiyama.

Ito ang ikapitong pagkakataon na idedepensa ni Taguchi ng kanyang titulo laban sa mapanganib na si Melindo na nakuha ang korona ng IBF nang patulugin ang Hapones ring si dating kampeong si Akira Yaegashi sa 1st round noong nakaraang Mayo sa Tokyo at nagtagumpay sa kanyang unang depensa nang talunin sa puntos si Hekkie Budler ng South Africa sa Cebu City nitong Setyembre

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May record si Taguchi na 26-2-2 na may 12 panalo sa knockouts kumpara kay Melindo na may kartadang 37-2-0 na 13 pagwawagi sa knockouts.