Ni NITZ MIRALLES

NAG-DONATE si Sharon Cuneta sa Tindig Marawi project ni Robin Padilla para makatulong sa mga taga-Marawi na makapagsimula uli sa kanilang buhay. May picture ang dalawa na hawak nila ang sobre na naglalaman ng tseke na donation ni Sharon, pero hindi na binanggit kung magkano ang ibinigay.

Sharon copy copy

“Sa ngalan ng nag-iisang Dios, ang mapagpala at ang mahabagin. Walang pinakamatamis sa larangan ng kawanggawa kundi ang pagdating ng mga kaibigan at mag-alay ng kanilang kamay para kagyat na makatulong sa mga nangangailangan. Wala rin makapapantay sa kaligayahan ng isang rebolusyonaryo kapag ang nagbibigay na kamay ay naniniwala sa adhikain at intension ng pagkilos lalo’t ang katulad ni Sharon Cuneta na matagal nang kilala sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang isang matulungin at maaasahan ng mga nangangailangan.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

“Maaari kong sabihin na isa siya sa aking tinularan na tumutulong kahit wala sa harap ng camera, sa katunayan pinilit ko siya sa pamamagitan ng katwiran na kailangan ko gawin para pamarisan ng mga may puso kaya pumayag na ilabas ko ang larawan na ito dahil hindi niya nakaugalian na ma-publicize ang kanyang magandang gawa. Napakalaki rin ng kanyang inambag sa Tindig Marawi hindi na siya pumayag na sabihin ko ang halaga pero marami itong zero. Allah hu akbar Allah hu akbar Allah hu akbar.”

Samantala, sa November 29 na ang showing ng reunion movie nina Robin at Sharon na Unexpectedly Yours ng Star Cinema sa direction ni Cathy Garcia-Molina.

Kasama ng dalawa ang love team nina Joshua Garcia at Julia Barretto.