MIES, Switzerland – Inaprubahan ng FIBA (International Basketball Federation) ang komprehensibong ‘reimbursement schemes’ para maproteksyunan ang mga player na miyembro ng National Team , gayundin ang kanilang ball club habang naglalaro sa international competition.

Niratipikahan nitong Sabado ng FIBA Executive Committee ang pinakabago, mas matibay at kapaki-pakinabang na programa sa ‘reimbursement.

Ang naturang insurance, sisimulan sa unang laro ng FIBA Basketball World Cup 2019 qualifier, ay inilaan para sa mga lalaki at babaeng players, gayundin s a mga sumasabak sa U17, U18, U19 at U20 national teams, at nakalaan sa pagsuporta sa ‘temporary total disablement and surgical expenses.’

Sa naturang programa, makasisiguro ang mga club na pinaglalaruan ng mga National team member na makatanggap ng sapat na suportang pinansiyal sa kaganapan na napinsala ang kanilang players. makukuha nila ang pondo batay sa sinasahod ng naturang player at araw na hindi ito nakalaro sa koponan bunsod ng naturang injury na nakuha sa international competition na sanctioned ng FIBA.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang naturang programa ay isang malaking hakbang sa kampo ng FIBA para maproteksyunan ang players. Bahagi rin nito ang mga lumalaro sa wheelchair basketball at sakop ang lahat ng mga bansang kasapi ng basketball body.

Dahil sa binagong format at iskedyul nang mga torneo sa buong isang taon, napapanahon ang programa para makasabay ang mga bansang miyembro sa pagpapalakas ng kani-kanilang National Team.

Ikinasa ang programa, sa pakikipagtulungan ng Arch Insurance Company (Europe) Limited, nangungunang insurer company sa buong mundo. Magtatayo rin ang FIBA ng permanenteng ‘help-desk’ para magbigay ng agarang tulong at suporta sa mga players at ball club na kinaaaniban.

“This is great news for players who are the most important people in basketball. This new scheme has been introduced in recognition of the amazing contribution they make to national team competitions which are the locomotive of basketball,” pahayag ni FIBA Secretary General at International Olympic Committee (IOC) member Patrick Baumann.

“It is a priority for FIBA to protect the players who give everything for the national teams and this scheme ensures they don’t have to worry about the financial implications of an injury which keeps them out of the game. It also respects the interests of the clubs who release players for national team competitions,” aniya.

“We are very excited about supporting players, teams and federations when they come together in the new FIBA calendar and competitions spreading the joy of basketball to fans around the world. With our assistance FIBA can provide financial support to federations and teams while their players ‘rebound’ from injuries to the court,” pahayag naman ni Lino Leoni, Chief Underwriting Officer sa Arch Insurance.