NI: Aaron B. Recuenco
Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa mga pulis sa gitnang Mindanao na manatiling laging alerto laban sa posibilidad ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Kasabay nito, inutusan ni dela Rosa ang mga pulisya na ayudahan ang militar na tumutugis sa mga miyembro ng BIFF sa pagsasagawa ng mga checkpoint at chokepoint upang mapigilan ang recruitment o pagtakas ng mga bandidong matagal nang nakipag-alyansa sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
“My instruction to them is that they should be wary of possible attacks that may be made by enemies as possible diversionary tactics to ease up the military operations against them,” sabi ni dela Rosa.
Simula nitong Miyerkules ay naglunsad ng malawakang opensiba ang militar sa pinagtataguan ng BIFF sa Maguindanao at Cotabato upang maitaboy ang mga ito sa mga kinukubkob na lugar.