Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Arestado ang isang lalaki makaraang hipuan at murahin ang dalawang babaeng nagtatrabaho sa isang bar sa Fairlaine Subdivision sa Barangay San Vicente, Tarlac City.

Kinilala ang suspek na si Rolando Apolonio, 33, at residente ng Bgy. Santa Ines East, Santa Ignacia, Tarlac.

Batay sa report, nagtungo si Apolonio sa Hungry Yard para uminom subalit nang nalasing na umano ay hinipuan ang hindi pinangalanang babae, at minura si Maria Cristina Nool, 28, may asawa, ng Bgy. Acocolao, Paniqui.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Tarlac City Police Station.