NI: Gilbert Espeña

SA kanyang kauna-unahang torneo, nagpakitang gilas ang limang taong gulang na si Princess Mae Orpriano Sombrito sa katatapos na 7th Pangasinan Chess Championships sa Pangasinan Training and Development Center Capitol Complex sa Lingayen City.

chess photo copy

Sa kanyang murang edad ay nakitaan na ng husay sa ibabaw ng 64 square board si Sombrito matapos niyang padapain ang mas nakakatanda niyang katunggali sa Kiddie 12 under mixed boys & girls division.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Nakalikom siya ng kabuuang 3.5 puntos mula sa tatlong panalo, isang tabla at tatlong talo sa 7 Round Swiss-System format na matagumpay na inorganisa ni Pangasinan Chess League President Juan Vicente Sison sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Pangasinan at Pangasinan Sports Development and Management Council.

Naiuwi ni Sombrito ang youngest participants award na nilahukan ng 95 batang manlalaro na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Si Sombrito na Kinder-2 ng Calanutan Elementary School sa Rosales, Pangasinan ay natutong maglaro ng chess nito lamang Oktubre 2, 2017 mula sa kanyang personal chess coach na si Rosulo Vigilia Cabusora, Jr.

Optimistiko ang mag-asawang Dominador Nava Sombrito at Jackie Orpriano Sombrito na malayo ang mararating ng kanilang anak at magbibigay ng karangalan sa bansa sa hinaharap.

Nais ni Princess Mae na sundan ang yapak ng kanyang chess idol na si International Age group chess champion Woman Fide Master Samantha Glo Revita na ipinagmamalaki din ng bayan ng Rosales, Pangasinan.