Ni REGGEE BONOAN
VERY supportive ang daddy ni Harvey Bautista na si Quezon City Mayor Herbert Bautista kasama ang kanyang Ate Athena at Mommy Tates Gana sa kanyang mga project.
Nakita namin ang mag-anak sa gala premiere ng indie movie na ‘Nay na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Harvey, Jameson Blake at Enchong Dee na produced ng Cinema One Originals na idinirihe ni Kip Oebanda.
Bagay si Harvey na gumanap bilang batang Enchong dahil magkahawig sila.
English speaking si Harvey na sa international school nag-aaral at bumagay din naman kay Enchong dahil kahit mas sanay siyang magsalita ng Tagalog ay nakakapagsalita din siya ng straight English.
Bibihirang lumabas sa pelikula si Harvey dahil abala sa pag-aaral pero bakit sa tuwing may project siya ay parating horror tulad nga nitong ‘Nay? Kung hindi kami nagkakamali, huli namin siyang napanood sa Ilawod ng Quantum Films na horror movie rin.
Sabi ng mama ng batang aktor na si Ms Tates, “Ito kasi ang ini-offer.”
Nakakatuwa si Mayor Herbert na hindi pumopronta sa maraming tao at nakaupo sa mataas na puwesto ng sinehan, tahimik lang na kung hindi pa itinuro sa amin ng aming kasama ay hindi namin mapapansin.
Allegory ang pelikula nina Enchong at Sylvia Sanchez na patama sa gobyerno na si Direk Kip Oebanda mismo ang sumulat.
Sa kulungan ipinanganak at lumaki si Direk Kip dahil nakulong ang nanay niya noong ibagsak ni Presidente Ferdinand Marcos ang martial law.
Kip ang pangalan ng direktor dahil ‘itinago’ siya sa kulungan.
Malalim ang kuwento ng ‘Nay na idinaan lang sa horror pero makahulugan ang bawat eksena lalo na nu’ng namimili na si Enchong ng papatayin at kakainin nang maging aswang na siya at ayaw niya ng mahihirap na kawawa sa paningin niya.
Ang paliwanag sa kanya ni ‘Nay (Sylvia), pare-pareho lang ang mahihirap at mayayaman. Mas madaling patayin ang mahirap dahil madaling lusutan at walang maghahabol kumpara sa mayayaman (o may posisyon sa gobyerno) na madali kang mahuli dahil sa koneksiyon.