PANOORIN si Iza Calzado sa kanyang natatanging pagganap bilang babaeng naging bilanggo ng pagkakataon at pilit na umahon sa pagkakasadlak sa prostitusyon ngayong gabi sa MMK.

Iza copy

Dalagita pa lang ay iniwan ni Hazel (Iza) ang kanyang pamilya para sumama sa tiyahing nag-alok na tutustusan ang kanyang pag-aaral. Buo ang loob ni Hazel lalo’t alam niyang ito ang daan para matupad ang kanyang mga pangarap. Pero kabaligtaran ang nangyari dahil nawasak ang lahat ng kanyang mga binabalak nang gahasain siya ng asawa ng kanyang tiyahin.

 

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Lubusan siyang maapektuhan nito hanggang sa umuwi sa probinsiya. Kalaunan ay nakilala niya si Bensyo (Gerald Madrid), ang pangalawang lalaking magsasamantala sa pagkababae niya. Ibinenta siya nito sa casa para maging prostitute at ang masaklap pa ay nabuntis pa siya nito pagkaraan ng ilang taon.

 

Alamin kung paano hinarap ni Hazel ang buhay. Paano kaya siya nakawala sa mundong kinasadlakan?

 

Makakasama ni Iza sa upcoming episode sina Maris Racal bilang dalagang Iza, Nonie Buencamino, Jordan Herrera, Jairus Aquino, Maria Isabel Lopez, Soliman Cruz, Tom Olivar, Nor Domingo, at Eagle Riggs mula sa panulat nina Akeem del Rosario at Arah Jell Badayos at sa direksiyon ni Raz dela Torre.