Ni: Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Dahil sa labis na depresyong nararanasan, isang 60-anyos na lalaki ang nagbigti sa banyo ng kanyang bahay sa Barangay Manacnac sa Palayan City, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng hapon.

Batay sa ulat ng Palayan City Police sa tanggapan ni Senior Supt. Eliseo T. Tanding, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Ernesto Villarosa, may asawa, na nakabigti at wala nang buhay nang natagpuan ni Ana Maria de Jesus Pelagio, asawa ng kanyang pamangkin.

Dakong 1:45 ng hapon nang dumating si Pelagio sa bahay at nakitang nakabigti sa banyo si Villarosa.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Ayon kay Pelagio, labis umanong dinamdam ni Villarosa ang banta ng misis nitong nasa Dubai na maghihiwalay na sila dahil sa problemang pampamilya, partikular sa pinansiya.