Ni Marivic Awitan

NAGBALIK sa kampo ng San Beda si coach Boyet Fernandez matapos magbitiw si Jamika Jarin sa pagbubukas ng NCAA Season 93. Mabigat ang hamon kay Fernandez bunsod nang katotohanan na defending champion ang Red Lions.

San Beda head coach Boyet Fernandez celebrates with the  SBC Community after winning the Finals Game 2 match against Lyceum at Smart Araneta Coliseum, November 16, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
San Beda head coach Boyet Fernandez celebrates with the SBC Community after winning the Finals Game 2 match against Lyceum at Smart Araneta Coliseum, November 16, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Ngunit, tulad nang isang tunay na seasoned-coach, hindi kumurap si Fernandez, higit sa krusyal na sandali ng laban kontra sa No.1 team Lyceum of the Philippines.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Marami ang humula na dadamputin sa kangkungan ang bataan ni Fernandez matapos magpamalas nang katatagan ang Pirates – sa pangunguna ni league MVP CJ Perez – na nagawang mawalis ang double-round elimination (18-0) tampok ang double-overtime 107-105 panalo sa pagtatapos ng elimination round.

“Yung mga haters and doubters, nagpapa-salamat ako sa kanila,” pahayag ni Fernadez sa post-game media interview.

“They pushed me to work harder and really look ways to beat LPU. Sa totoo lang naman kinakabahan ako nung nag-champion kami sa FilOil tournament, kasi pag nag-champion ka ng FilOil you can’t win a championship in the NCAA. But I broke that and we won this one, we won this championship. As to the doubters, thank you. I thank you so much for that,” aniya.

Saludo si Fernandez sa Red Lions na hindi sumuko sa kabila nang pagiging dehado.

“Ayaw ng mga players ko na matalo ako sa laro,” sambit ni Fernandez.

Ang panalo ang ika-21 pangkalahatang titulo ng San Beda at ika-10 sa nakalipas na 12 taon. Ikatlong titulo ito ni Fernandez sa Mendiola-based team matapos magwagi ng back-to-back (2013 at 2014).