NAGBABADYANG masira ang lahat ng plano nina Cardo (Coco Martin) at Romulo (Lito Lapid) sa pagbabalik nila ng Maynila dahil kasado na ang pagsuplong sa kanila ni Regine (Angeline Quinto) upang makuha ang pabuyang nakapatong sa kanilang ulo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Coco copy

Sa muling pagtapak ni Cardo sa Maynila kasama si Romulo, nakilala nila ang pamilya ni Daga (Rico J. Puno), isa sa mga dating kasapi ng pangkat, upang tulungan silang mahuli si Alakdan (Jhong Hilario).

Ngunit hindi naging maayos ang pagtanggap sa kanila ng anak nito na si Regine dahil inihahalintulad sila ng dalaga sa mga taong pumatay sa kanyang kuya, kaya malaki ang galit nito sa mga miyembro ng rebeldeng grupo.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid, sasamantalahin ni Regine ang tiwalang ibinibigay nina Cardo at Romulo sa kanyang ama at sisiguraduhing mahuhuli sila ng mga awtoridad, at para rin na makuha ang P10 milyong pabuya.

Hindi naman magpapatalo si Cardo at gagawin ang lahat upang maisakatuparan ang kanyang mga planong pagtugis kay Alakdan at pagsiwalat sa kasakiman ni Direktor Hipolito (John Arcilla).

Magtagumpay kaya si Regine sa kanyang plano? Makaligtas naman kaya si Cardo?

Tutukan ang maaaksiyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang nangungunang serye sa bansa, gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para mapanood ang past episode ng palabas, mag-log in lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.