TARGET ng reigning girls champion National University at University of Santo Tomas na maselyuhan ang championship match sa pakikipagtuos sa kani-kanilang karibal sa UAAP Season 80 high school volleyball Final Four ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Haharapin ng Bullpups ang fourth-ranked Far Eastern-University ganap na 11 ng umaga, habang magtutuos ang Junior Tigresses at No. 3 De La Salle-Zobel ganap na 9:30 ng umaga.
Tangan ang twice-to-beat bonus matapos manguna sa eliminations, kakailanganin lamang ng NU at UST na panalo ng isang beses para makausad sa best-of-three Finals sa ikalimang sunod na season.
Naunsiyami ng Bullpups ang tangang ‘sweep’ ng Junior Tigresses sa 25-20, 25-15, 26-24 panalo nitong Linggo, sapat para magtabla sa 11-1 karta. Nakuha ng Bustillos-based spikers ang No. 1 ranking via superior quotient.
Pangatlo ang Junior Lady Spikers na may 7-5 karta, kasunod ang Baby Tamaraws na may 6-6 marka.
Pag-aagawan naman ng NU at UST ang nalalabing twice-to-beat incentive sa boys’ Final Four sa 8 ng umaga. Nagtabla ang Bullpups at Tiger Cubs sa 11-3.