Ni: Johnny Dayang

NAGING matagumpay ang katatapos lamang na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders Summit sa Pilipinas, kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng samahan. Napakainam na balikan ang mga nakamit nito sa kabila ng magkakaibang pananaw ng karamihan sa mga miyembro nito.

Kilala noon bilang South East Asia Treaty Organization (SEATO) na binubuo ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand, ito ay pinalitan ng ASEAN noong 1967, sa pagnanais ng United States, upang mapagtibay ang anti-Communism agenda at isulong ang regional economic development ng mga miyembro.

Hindi nagtagal, naging 10 ang miyembro nito sa pagsali ng Brunei Darussalam, Cambodia, Laos, Myanmar at Vietnam. Isa pang bansa – ang East Timor – ang nagsisilbing Observer at inaasahang tuluyang magiging miyembro nito.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang lubos na tinatalakay sa ASEAN ay ang gampanin ng Mindanao. Nakuha ng combined market ng ASEAN na mahigit 600 milyong katao, at ang pinagtutuunan nitong economic growth, ang interes ng mas maunlad na APEC economies gaya ng US, Russia, Canada, Australia, Great Britain at ang European Economic Community, at iba pa. Pinatitingkad nito ang Mindanao, sa pagkakaroon ng mahahalagang resources, na makatutulong sa pagpapasigla sa ASEAN economy.

Binabalot ng rebelyon at terorismo, nananatiling hindi nadidiskubre ang Mindanao. Mula sa himpapawid, makikita ang pagkalagas ng gubat, sinira ng mga magtotroso ngunit ang geography nito ay nagpapakita ng nakabibighaning paglago.

Nagsimula ang interes sa Mindanao noong 1994 nang simulan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang BIMP-EAGA initiative.

Ito ay growth zone concept para sa katabing parte ng Brunei, Indonesia, Malaysia at ng Pilipinas (BIMP). Noong Nobyembre 1995, unang isinagawa ang BIMP-EAGA international gathering ng business tycoons at ng iba pang stakeholders sa Davao City.

Mas nakaramdam ng pagpapahalaga ang Mindanao nang si Pangulong Rodrigo Duterte, na nagpapatupad ng unorthodox partisan campaign strategy, ang manalo sa 2016 presidential elections. Sa kanyang pagkapanolo, iniluklok sina Davao Rep. Pantaleon Alvarez at Sen. Koko Pimentel sa House Speakership at sa Senate presidency, ayon sa pagkakasunod. Ang dating mga Mindanaon political stalwarts na sina Emmanuel Pelaez at Teofisto Guingona, Sr. Ay naging Vice President, habang sina Sen. Nene Pimentel at Davao Rep. Prospero Nograles ang namahala sa Senate presidency at House Speakership, ayon sa pagkakasunod.