MAGKAHALONG lungkot at saya ang katatapos na 31st PMPC Star Awards for Television na ginanap last Sunday sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University at nakatakdang ipalabas sa Linggo (Nov.19) sa ABS-CBN.

Siyempre, sariwa pa sa lahat ang pagluluksa sa mga artistang pumanaw kamakailan na sina Isabel Granada at ang Hashtag member na si Franco Hernandez. Kaya nga hindi nakalimutang banggitin ng best actor awardee na si John Estrada ang pangalan ni Isabel at sa award naman ni Vice Ganda na tinanggap ng apat na Hashtag members ay sa namayapang miyembro iniaalay ang award.

Aiko copy

Pero kahit may kahalong lungkot, namayani pa rin ang kaligayahan ng maraming ginawaran ng tropeo nang gabing ‘yun at nag-enjoy naman ang fans sa umapaw na mga bituin nang gabing yun.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagpatawa ang pinarangalang Ading Fernando Lifetime Achievement Awards na si Vic Sotto sa biro niya kung ipapalabas daw ba sa ABS-CBN ang tribute para sa kanya na kung saan inawit nina Vina Morales at The Company ang theme song ng Eat Bulaga.

Inalay naman ni Bosing ang kanyang Lifetime Achievement Award sa asawang si Pauleen Luna, sa kanyang mga anak at apo, most especially sa kanyang bagong bunsong anak na si Talitha Maria at binanggit din niya ang mga kasamahang sina Joey de Leon at Tito Sotto.

Hindi naman naitago ng Drama Best Supporting Actress na si Aiko Melendez ang damdamin sa sinasabing “girl crush” daw niyang si Marian Rivera na nakaupo sa harapan ng stage katabi pa mandin ng asawang si Dingdong Dantes.

“Andito pala ‘yung crush kong si Marian, Oy huwang kang magselos Dingdong, ha? Paghanga lang ‘yun at hindi naman ako tomboy,” sey pa ni Aiko.

Tie sa kategoryang Best Primetime Drama Series ang La Luna Sangre ng ABS-CBN at ang Alyas Robin Hood naman ng GMA na tinanggap sa stage nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Dating archrival ang dalawa bilang hari ng GMA Primetime, pero ngayon ay tumatanggap sila ng award sa magkahiwalay ng network at binati naman nila ang isa’t isa ng congratulations.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:

Best TV Station: ABS-CBN 2

Best Primetime Drama Sries: (TIE) La Luna Sangre (ABS-CBN 2) at Alyas Robin Hood (GMA 7)

Best Daytime Drama Series: The Greatest Love (ABS-CBN 2)

Best Drama Actress: Sylvia Sanchez (The Greatest Love/ABS-CBN 2)

Best Drama Actor: (TIE) Dingdong Dantes (Alyas Robin Hood/GMA 7) at Ruru Madrid (Encantadia/GMA 7)

Best Drama Supporting Actress: Aiko Melendez (Wildflower/ABS-CBN 2)

Best Drama Supporting Actor: Daniel Fernando (Ikaw Lang Ang Iibigin/ABS-CBN2)

Best Child Performer: Nayomi “Heart” Ramos (My Dear Heart/ABS-CBN 2)

Best New Male TV Personality: Tony Labrusca (La Luna Sangre/ABS-CBN 2)

Best New Female TV Personality: Mikee Quintos (Encantadia/GMA7)

Best Drama Anthology: Ipaglaban Mo (ABS-CBN 2)

Best Single Performance By An Actress: Maricel Soriano (MMK-Baso/ABS-CBN 2)

Best Single Performance By An Actor: (TIE) John Estrada (MMK-Mansanas at Juice/ABS-CBN 2) at Alden Richards (Eat Bulaga Lenten Special/Kapatid/GMA 7)

Best Public Service Program: Wish Ko Lang (GMA 7)

Best Public Program Host: Vicky Morales (Wish Ko Lang/GMA 7)

Best Gag Show: Goin’ Bulilit (ABS-CBN 2)

Best Comedy Show: Pepito Manaloto (ABS-CBN 2)

Best Comedy Actor: Jobert Austria (Banana Sundae/ABS-CBN 2)

Best Comedy Actress: Ai Ai delas Alas (Hay! Bahay!/GMA 7)

Best Musical Variety Show: ASAP (ABS-CBN 2)

Best Variety Show: Sunday Pinasaya (GMA 7)

Best Female TV Host: Marian Rivera (Sunday Pinasaya/GMA7)

Best Male TV Host: Vice Ganda (It’s Showtime/ABS-CBN 2)

Best Game Show: Wowowin (GMA 7)

Best Game Show Host: Luis Manzano (Minute To Win It/ABS-CBN 2)

Best Educational Program: Matanglawin (ABS-CBN 2)

Best Educational Progam Host: Kim Atienza (Matanglawin/ABS-CBN 2)

Best Celebrity Talk Show: Gandang Gabi Vice (ABS-CBN 2)

Best Celebrity Talk Show Host: Boy Abunda (Tonight With Boy Abunda/ABS-CBN 2)

Best Documentary Program: I Witness (GMA 7)

Best Documentary Program Host: Sandra Aguinaldo, Kara David (I Witness/GMA 7)

Best Documentary Special: Di Ka Pasisiil (ABS-CBN 2)

Best Horror/Fantasy Program: Wansapanataym (ABS-CBN 2)

Best Magazine Show: Kapuso Mo Jessica Soho (ABS-CBN 2)

Best Magazine Show Host: Korina Sanchez (Rated K/ABS-CBN 2)

Best News Program: TV Patrol (ABS-CBN 2)

Best Male Newscaster: Arnold Clavio (Saksi/GMA 7)

Best Female Newscaster: Bernadette Sembrano (TV Patrol/ABS-CBN 2)

Best Morning Show: Unang Hirit (GMA 7)

Best Morning Show Host: Anthony Taberna, Jorge Carino, Atom Araullo, Amy Perez, Winnie Cordero, Ariel Ureta (Umagang Kay Ganda/ABS-CBN 2)

Best Public Affairs Program: (TIE) The Bottomline With Boy Abunda (ABS-CBN 2) at Sa Ganang Mamamayan (NET 25)

Best Public Affairs Program Host: Boy Abunda (ABS-CBN 2)

Best Travel Show: Landmarks (NET 25)

Best Travel Show Host: Drew Arellano (Byahe Ni Drew/GMA News TV)

Best Lifestyle Show: The World Of Gandang Ricky Reyes (GMA News TV)

Best Lifestyle Show Host: Solenn Heusaff & Rhian Ramos (Taste Buddies/GMA News TV)

Best Talent Search Program: ASOP (UNTV 37)

Best Talent Search Program Host: Luis Manzano & Toni Gonzaga (The Voice Teens/ABS-CBN 2)

SPECIAL AWARDS:

Ading Fernando Lifetime Ahievement Award: Vic Sotto

Excellence In Broadcasting: Martin Andanar

Longest Running Daytime Drama Anthology: Maynila

German Moreno Power Tandem: JoshLia (Joshua Garcia & Julia Barretto) at RocSan (Rocco Nacino & Sanya Lopez)