Ni: Beth Camia

Magbibigay ang China ng P1.15 bilyon bilang donasyon sa Marawi City.

Ipinahayag ito ni Chinese Premier Li Keqiang matapos ang bilateral meeting nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Li, ang nasabing halaga ay tulong para lalong mapabilis ang pagbangon ng Marawi.

Relasyon at Hiwalayan

Aljur present sa pagtanggap ng awards ng mga anak; Kylie, nagpasalamat

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na nanggaling sa China ang baril na nakapatay kay Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon kaya bilang pasasalamat sa tulong ay kaniya itong ibabalik.