Ni LITO T. MAÑAGO

LIMANG taon na ring bahagi ng Bubble Gang si Betong Sumaya.

Mula sa pagiging production crew hanggang masungkit niya ang karangalan bilang Celebrity Sole Survivor sa second season ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown noong 2011 hanggang sumikat siya as the infamous villain na Antoinetta sa longest at award-winning gag show ng GMA Network, tila malayung-malayo na ang narating ni Betong sa showbiz.

betong copy copy

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

“Ang bilis ng panahon, five years na rin ako sa Bubble Gang,” sambit niya minsang makausap namin sa set ng All-Star Videoke na pinagsasamahan nila ni Solenn Heussaff bilang hosts.

Patuloy ni Betong, “Ipinahinga muna namin si Antoinetta. Wala na kaming mahanap na artistang masasampal. Thankful din po ako na nabigyan ako ng ganu’ng role at segment.”

Sa ika-22 taong anibersaryo ng programa, isang musical ang mapapanood ng loyal Kapuso televiewers.

Kuwento ni Betong, “Musical po talaga ito. Si Myke (Solomon) ang magiging musical director namin. Parang Rak of Aegis pero gagamitin namin ‘yung kanta ng Parokya ni Edgar. It will be a two-part series.”

Nai-tape na ang buong episode last November 14 at kinunan ito sa Studio 7 ng GMA Network.

“Excited kami sa anniversary kasi hindi lang kami magpapatawa kundi kakanta at sasayaw talaga kaming lahat,” wika ng kausap namin.

Bukod sa pagpapatawa sa BG, nagi-enjoy din daw siya bilang co-host sa All-Star Videoke na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

“Nabigyan uli ng bagong direksyon ang aking career. And sana po tumagal talaga ‘yung show namin.

“Sana tumagal,” banggit niya ulit. “Medyo relax na kami ngayon ni Solenn unlike before na medyo nangangapa pa kami.

Pero ngayon, medyo comfortable na kami sa isa’t-isa. Masaya, masaya po ‘tong show. Laglagan talaga.”