Ni JIMI ESCALA

NAKAKUWENTUHAN namin ang isang kaibigan na dating nakakasama sa patawag for audition para sa talents for print and TV commercials na si Ms. Annie Ayroso. Siyempre, naitanong namin agad sa kanya kung bakit hindi yata siya sumama sa kasal ng dating alaga niyang si Anne Curtis kay Erwan Heusaff.

Anne copy

Sa mga hindi nakakaalam, si Ms. Annie ang talagang discover-mentor ni Anne Curtis. Wala pang kamuwang-muwang noon ang isang Anne Curtis at isa kami sa makapagpatunay sa pagkaray-karay ni Annie sa kanya.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Kuwento sa amin noon ni Ms. Annie, batang-bata pa si Anne at wala pang 12 years old nang lapitan niya para alukin upang maging talent for commercials.

Kung ilang beses din naming nasalubong noon si Ms. Annie bitbit ang dalaginding na si Anne na hindi pa marunong magsalita ng Tagalog.

Palibhasa maganda, madaling naipasok ni Annie sa ilang ad agency si Anne at nakagawa ng ilang commercials. Si Annie rin ang nagdala kay Anne sa GMA-7 at nagkaroon ng ilang TV show.

Pero noon pa ay may himutok na si Annie kay Anne. After daw kasi ng mga nagawa niya na halos siya na ang tumayong nanay ng aktres na sa bahay pa niya nakatira noon, bigla na itong umalis sa poder niya.

“Nalaman ko nasa Viva na siya. Wala kasi kaming kontrata. Pero okey na ‘yun, matagal na yun at limot ko na. Nagpag-usapan lang kasi. Nakakasama lang kasi sa mga past interview ni Anne, eh, never niyang nabanggit na sa akin siya nag-umpisa ni pangalan ko, eh, hindi niya yata kayang sabihin,” himutok ni Annie.

Nitong ikinasal si Anne sa New Zealand kahit pabalat-bunga man lang ay hindi nito naalala.

“Hindi naman ako nagsa-sourgraping. Tinanong n’yo kasi ako kung bakit wala ako sa kasal niya. ‘Yun lang, parang nakaramdam na naman ako ng lungkot at bumalik ‘yung dating sama ng loob ko na after ko siyang alagaan at natulungang makapasok sa showbiz at pinatira pa sa bahay ko, eh, parang hindi na yata niya ako kilala,” himutok pa ni Ms. Annie Ayroso.