Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

1:00 n.h. -- CSB-La Salle Greenhills vs Mapua (jrs)

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

3:30 n.h. -- Lyceum vs San Beda College (srs)

NCAA cage title, susungkitin ng San Beda laban sa No.1 Lyceum.

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

1:00 n.h. -- CSB-La Salle Greenhills vs Mapua (jrs)

3:30 n.h. -- Lyceum vs San Beda College (srs)

MAGKAIBANG landas sa kasaysayan ng collegiate league ang tatahakin ng defending champion San Beda College at liyamadong Lyceum of the Philippines University sa muling pagtutuos sa Game 2 ng NCAA Season 93 best-of-three title series ngayon sa Araneta Coliseum

San Beda's Robert Bolick tries to score against Lyceum's Nino Ibanez during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, October 19, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
San Beda's Robert Bolick tries to score against Lyceum's Nino Ibanez during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, October 19, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Nakatakda ang duwelo ganap na 3:30 ng hapon.

Target ng Red Lions – sumampa sa kanilang ika-12 sunod na championship series sa pinakamatandang liga – na maidepensa ang korona at angkinin ang ika-10 titulo sa nakalipas na 12 taon.

Dumaan sa matandang kawikaan na butas ng karayom ang Red Lions, nagapi ng Letran Knights sa 2015 championship, nang gapiin ang San Sebastian College sa stepladder semifinals.

Nakapagpahinga naman ng todo ang Lyceum Pirates matapos walisin ang 14-game double round elimination.

Ngunit, tila nangalawang ang Pirates mula sa mahabang bakasyon nang mabigong masustinahan ang momentum at magapi ng Red Lions sa Game 1, 94-87, nitong Sabado.

Tatapusin na ba ng defending champion San Beda College ang duwelo para sa kampeonato o makakahirit pa ng winner-take-all Game 3 ang Lyceum of the Philippines University?

Ito ang malaking katanungan na kailangan masagot ng Pirates upang makaiwas sa napipintong kahihiyan matapos tanghaling ‘top team’ at ang kanilang leading player na si CJ Peres bilang Most Valuable Player.

“Kailangan namin yung firepower more than sa ipinakita namin sa Game 1. Team to beat ang Lyceum and we need to play the best basketball against the best team,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez, arkitekto sa three-peat title ng Lions bago pinalitan ni Jamica Jarin.

“We’ve been really preparing for the press of LPU. We always tell the players to take care of the basketball. In two games we lost, we committed a lot of turnovers . Yun ang problema namin na we’re trying to cut down. Na-cut down lang namin ng kaunti,” aniya.

Muling sasandig ang Lions kay Robert Bolick kasama sina Javee Mocon, C Soberano, Davon Potts at Donald Tankoua, labis na nagpahirap sa Pirates sa Game 1 sa Pirates sa ipinosteng 27 puntos at 20 rebounds.

Nangako naman ang Pirates na babawi at magsisikap na maibalik ang kanilang winning ways hindi para sa sarili nila kundi para sa mga taong naniniwala sa kanila at sumusuporta.

Ayon kay Pirates coach Topex Robinson, hindi na puwedeng idahilan na wala silang championship experience dahil naranasan na nila at naramdaman ito noong Game 1.

“I promise I will be a better mentor next game, “ pahayag ni Robinson na muli namang sasandal kina Perez, Rookie of the Year Jaycee Marcelino at kakambal nitong si Jayvee, Raymar Caduyac, skipper MJ Ayaay at Cameroonian center Mike Nzeusseu.

Samantala sa unang laro, tatangkain ng CSB-La Salle Greenhills na makumpleto ang naitalang malaking upset mula sa pagpasok na no. 4 seed sa Final Four round hanggang sa tangkang agawin ang titulo sa defending champion Mapua sa Game 2 ng sarili nilang finals series sa juniors division.

Matapos patalsikin ang elimination topnotcher San Beda College sa semis, naitala ng Junior Blazers ang 1-0 bentahe sa finals series matapos igupo sa Game 1 ang Red Robins, 74-68.