Ni REGGEE BONOAN

HINDI magka-loveteam sina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos dahil magkaiba sila ng TV network, pero nag-swak ang mga karakter na ginampanan nila sa Fallback na sinulat at idinirihe ni Jason Paul Laxamana under Cineko Productions at ini-release ng Star Cinema.

Rhian copy copy

Sa presscon ng pelikula, sinabi ni Direk Jason Paul na base sa research ang binuo niyang kuwento ng Fallback na nangyayari sa mga taong nakakahalubilo natin sa araw-araw, ‘yun nga lang, hindi lahat ay nag-iisip ng plan B o C.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

 

Ikinuwento sa pelikula na hindi dapat makuntento sa isang desisyon o bagay lang dahil paano kung pumalpak? Kaya dapat may back-up o tinatawag na fallback.

 

Pero pagdating sa mga nagmamahalan, mahirap tanggapin na fallback lang pala ang pakikipagrelasyon ng isa.

Oo nga naman, lalo na sa linya ni Rhian na, “Maghintay ka na lang kasi may boyfriend pa ako” na sinagot ni Zanjoe ng, “May hihintayin ba ako?” at walang naisagot ang dalaga.

 

Ex-couple ang characters nina Zanjoe at Rhian na hindi naging successful ang relasyon dahil hindi pinahalagahan ng una ang huli, bagay na pinagsisihan din naman ng una kaya nang makitang hindi rin binibigyan ng tamang oras ng kasalukuyang boyfriend na si Daniel Matsunaga ay saka uli umeksena ang una na nagyayang, ‘Tayo na lang ulit.’

 

Tama ang kuwento ni Direk Jason Paul, very light drama ang atake niya sa Fallback, walang sigawan, walang matitinding iyakan at hindi masyadong nagmumukmok ang karakter ni Rhian kapag nasasawi sa pag-ibig.

 

Cool at understanding na boss (executive producer) naman ang papel ni Ms. Tetchie Agbayani na alam ang tungkol sa love life ni Rhian kaya natutuwa siya na nagkabalikan na sila ni Zanjoe.

 

Hmmm, may ganitong EP pa ba sa production? Ang alam namin laging mainitin ang ulo ng mga executive producer lalo na kapag nginangarag na sila ng direktor at producer.

Ang galing-galing ni Ricky Davao bilang gay director sa movie. Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa cast sinaCai Cortez, Jemuel Pelayo, Marlo Mortel, Eagle Riggs at iba pa.

Gusto namin ang kuwento at sana ay magustuhan din ito ng mga manonood lalo na ng millennials. Kahapon ang opening nito sa mga sinehan.