Ni: Gilbert Espeña

ISUSULONG ng En Passant Chess Association ang pinakahihintay na 2nd Red Kings Chess Tournament Open sa Linggo sa Letran Gymnasium (College Gym) sa Intramuros, Manila.

Ayon kay Fide Master Nelson Mariano III na kaagapay si NM Roland Joseph Perez na nag-organisa ng one day chess-affair, bukas ang torneong ito sa lahat ng manlalaro, anuman ang kasarian at edad, may titulo man o wala.

Ipatutupad ang Seven Round-system format na may 20 minutes plus five seconds delay mode of play kung saan ito ay pangangasiwaan ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP) na pangungunahan nina Alexander Dinoy, Alfredo Chay, Sonny Labayne at Hubert Estrella.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumataginting na P8,000 ang nakalaan sa magkakampeon. Habang maiuuwi naman ng ika-2 hanggang ika-3 puwesto ang tig-P6,000 at tig-P4,000, ayon sa pagkakasunod.

May nakalaan din na P1,000, P700 at P500 sa top three finisher bilang College, top Letranista, top kiddie U-14, top 1950 and below, at top 2050 and below.