Ni: Samuel Medenilla

Sa susunod na taon pa inaasahang maipatutupad ang bagong lagdang landmark agreement ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na mas magpapatibay sa proteksiyon ng migrant workers.

Sa isang text message, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Cacdac na patuloy nilang binubuo ang mga kinakailangang cation plan para sa ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of Rights of Migrant Workers (ACMW).

Isa si Cacdac sa Philippine officials, na tumulong sa pagbalangkas sa ACMW, na nilagdaan ng ASEAN heads of states nitong Martes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We will soon start crafting an action plan for the implementation...it could be completed by 2018,” sabi ni Cacdac.

Sa ilalim ng ACMW, hinihikayat ang ASEAN member states na bumuo ng polisiya na “uphold fair treatment of migrant workers” gaya ng pagbabawal ng sobrang singil sa placement fees at proteksiyon laban sa sexual harassment sa trabaho.

Ang action plan ay magsisilbing gabay ng ASEAN members states.

Nagpahayag naman kahapon ng pagkadismaya ang Migrante International sa ACMW dahil hindi nito maobliga ang ASEAN member states na protektahan ang kanilang mamamayan.

“How can it (ACMW) give enough protection to migrants, when (ASEAN) countries and even employers will not be obligated to follow its provisions?,” sabi ni Migrante International spokesperson Arman Hernando sa panayam sa telepono.

Kinondena rin niya ang hindi pagkakasama ng irregular migrants sa probisyon ng ACMW.

“We stand by our position such protection should also be given to migrant with irregular status since they are usually the most vulnerable to abuses,” sabi ni Hernando.