Ni: Gilbert Espeña

NAKALASAP ng unang pagkatalo si Fil-Canadian Marc Pagcalingawan nang daigin sa 6-round majority decision ni dating WBC Fecombox super bantamweight champion Daniel Olea ng Mexico kamakailan sa Powerade Center, Brampton, Ontario, Canada.

Ito ang unang gurlis sa marka ni Pagcalingawan matapos ang 10 panalo at 1 tabla bagamat walong buwan siyang hindi umakyat ng lona matapos patulugin ang Mexican rin na si Emmanuel Villamar.

Unang laban naman ito ni Olea sa ibang bansa kaya tiyak na muli siyang papasok sa world rankings matapos masungkit ang regional title ng WBC noong 2015.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Napaganda ng 24-anyos na si Olea ang kanyang rekord sa 12-4-1 samantalang may 10-1-1 kartada ang 27-anyos na si Pagcalingawan.