Ni: Marivic Awitan

INANGKIN ng Chiang Kai Shek College ang ikatlong sunod na juniors basketball title habang may bago namang kampeon sa midgets basketball sa pagwawagi ng Miriam College sa 48th Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA).

Nakisalo naman sa limelight ang Assumption College matapos magwagi sa juniors at seniors divisions ng futsal event finals.

Winalis ng CKSC ang best-of-three finals matapos ang 88-57 paggapi sa De La Salle Zobel sa Rizal Memorial Coliseum.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Tumapos namang pangatlo ang La Salle College Antipolo pagkaraang talunin ang San Beda College Alabang, 65-53.

Nagawa ring walisin ng Miriam ang midgets championship series kontra St. Paul College Pasig, 68-50, sa Game 2.

Nauna nang nagkampeon ang Centro Escolar University sa ikapitong sunod na taon sa seniors division.

Nagwagi ang Assumption sa pamumuno ni Most Valuable Player Martina Therese Roxas, kontra LSCA sa juniors finals, at CEU naman sa seniors.