Ni: PNA
SA prestihiyosong Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA), na magiging bahagi ng 64th Annual National Mine Safety and Environment Conference (ANMSEC), ay gagawaran ng pagkilala ang mga responsableng minero sa bansa.
Pangangasiwaan ng Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA) — ang nangunguna sa pagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan sa trabaho, maayos na pamamahala sa kapaligiran at responsibilidad sa lipunan sa industriya ng mineral sa bansa — idaraos ang ANMSEC sa CAP-John Hay Trade and Cultural Center sa Baguio City sa Nobyembre 21-24.
“The 64th annual national mine safety and environment conference again brings together advocates of responsible mining within and outside the mining communities where we operate. This includes not only the mining companies but also our regulators, suppliers, academe, services contractors and local government units and communities,” lahad ni PMSEA President Louie Sarmiento.
Ang tema ng ANMSEC para sa taong ito ay “Responsible Mining... In the Hearts and Minds of Filipinos”.
Sa idaraos na ANMSEC, gagawaran ng presidential award ang mga karapat-dapat na kumpanya ng minahan na nakatuon sa mineral exploration, quarry operation, surface mining operation, underground mining operation, at mineral processing.
Itinatag ang PMIEA sa bisa ng Executive Order No. 399 noong Pebrero 3, 1997 alinsunod sa polisiya na ang mga aktibidad sa mineral at operasyon sa pagmimina ay hindi lang dapat na ligtas sa kapaligiran kundi maging sa publiko.
Taunang iginagawad ang parangal sa mga kumpanya ng minahan na nagpapakita ng mahusay na aktibidad sa kalusugan at kaligtasan; at community at social development at management.
Nagsasagawa taun-taon ang PMIEA Selection Committee, kasama ang PMIEA Secretariat sa pangunguna ng Mines and Geosciences Bureau, ng seryosong field validation sa mga nagawa ng mga nominado para maging karapat-dapat sa ipagkakaloob na parangal.
“As we continue to encourage our members to excel year on year, the annual awards night will recognize the best of the best of our mine workers and companies who demonstrate what responsible mining is all about,” sabi ni PMSEA President Sarmiento.