NI: Francis T. Wakefield

Puwersahang dinukot ng 15 armado, na pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Sayaff Kidnap-for-Ransom Group, ang anim na indibiduwal sa Patikul, Sulu, nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito E. Sobejana, commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Sulu, nangyari ang pagdukot sa Phase 4, Kalimayahan Village, Barangay Latih sa Patikul, dakong 8:45 ng gabi.

Kinilala ni Sobejana ang mga biktimang sina Jessy Trinidad, 55; Nene Trinidad, 56; Aloh Trinidad, 22; Lucy Hapole, 21; Junjun Hapole, 13; at Nelson Hapole, pitong taong gulang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, isang concerned citizen ang nag-report ng insidente sa JTF Sulu at sa pulisya na kaagad nagpadala ng mga tauhan upang beripikahin ang report at magsagawa ng operasyon.

“This incident again demonstrates that the notorious kidnappers in Sulu are victimizing anybody including their fellow Tausugs even those who have less in life,” sabi ni Sobejana.