Nina MARTIN A. SADONGDONG at BELLA GAMOTEA

Isa sanang masaya at gabi ng tugtugan para sa international at local bands, at concert-goers ang Associate of Southeast Asian Nations (ASEAN) Music Festival 2017 sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City nitong Martes, ngunit nagkagulo ang mga manonood dahilan upang kanselahin ng ASEAN National Organizing Committee (NOC) ang event.

Ayon kay Senior Superintendent Gerardo Umayao, hepe ng Makati police, mahigit 30 katao ang hinimatay at marami ang nasugatan nang magtulakan ang mga manonood sa simula pa lamang ng pagtugtog ng unang banda, ang “Parokya ni Edgar,” dakong 7:30 ng gabi.

Ang event, na bahagi ng 31st ASEAN Summit at idinaos bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo at sa pagiging punong-abala ng Pilipinas sa ASEAN 2017, ay tinapos pagsapit ng 9:00 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ilan sa mga banda na nakatakda sanang mag-perform sa event at maging ang mga dumalo ay hindi napigilang magpahayag ng pagkadismaya sa kakulangan sa security preparation ng mga organizer na nagresulta sa “failed” event.

Sa kanyang Twitter account na (@chitomirandajr), ipinahayag ni Parokya ni Edgar frontman Alfonso “Chito” Miranda, Jr. ang kanyang saloobin: Sana next time hindi na ma-underestimate kung gaano kabuhay ang local music scene. Di daw kasi nila ine-expect na ganoon kadami ang pupunta kaya ‘di nila napaghandaan ng maayos. Buti nalang walang major injuries.

May this serve as a lesson na maging mas handa next time. Long live OPM!

Maging ang Sandwich frontman na si Raymund Marasigan ay nagpahayag ng saloobin, gamit ang kanyang Twitter account na (@raymsmercygun),: The show is stalled because people are standing on seats. IMHO (In my honest opinion) monoblocks in shows with rock bands dont usually go well together.

Gayundin ang bandang The Ransom Collective (@TheRansomCMusic): So sorry about what’s happened at the #aseanmusicfestph We love you guys and thanks so much to those who tried to come out tonight. The organizers worked hard to make this event happen but they chose to prioritize the safety of everyone instead.

Isa naman sa mga dumalo, si @abbygailvaldez, ang nagsabi na sa halip na maging masaya, mga sugat ang kanyang natamo sa event: ASEAN Music Festival gave me bruises on my right leg, a scratch on my left leg, blisters, and a bleeding toe hehez.

Napag-alaman na ang maximum capacity ng Ayala Triangle Gardens ay 6,000 ngunit sinabi ng awtoridad na umabot sa 15,000 ang manonood na nagtipun-tipon sa Ayala Triangle Gardens dahil sa free of admission.