Ni: Marivic Awitan

SINANDIGAN nina veteran Jocel Ninobla at Rodolfo Reyes, Jr. ang University of Santo Tomas para muling maghari sa UAAP Season 80 poomsae competitions kahapon sa Blue Eagle Gym.

ust copy

Nakopo nina Ninobla at Reyes ang kani-kanilang individual events bago nagsangga para sa mixed pair event tungo sa matagumpay na kampanya ng Growling Tigers para sa ikatlong overall championship sa kompetisyon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakamit ni Ninobla ang 8.250 puntos para pagbidahan ang female individual category kontra De La Salle’s Rinna Babanto (8.165) at University of the Philippines’ Patricia Jubelar (8.115).

Tangan naman ni Reyes ang 8.435 puntos sa male individual event kontra kina Ateneo’s Marvin Gabriel Vidal (8.270) at De La Salle’s McAvyngyr Alob (8.130).

Sa mixed event, nagtumpok ang dalawa ng 8.395 puntos para higitan ang karibal na sina Angelica Gaw at Raphael Enrico Mella ng La Salle (8.250) at tambalan nina Janna Oliva at Jayboy Buenavista ng University of the Philippines (8.235).

Nagwagi rin ang Tigers ng bronze sa female team category.

Tumapos na pangalawa ang Green Archers, kampeon sa nakalipas na season, para sa 1-2-1 gold-silver-bronze haul.

Nagwagi naman ang grupo nina Alob, Mella at Benjamin Sembrano sa male team event na may 8.320 puntos.

Nakopo naman ng Far Eastern University, tangan ang isang gold at isang bronze medal, ang ikatlong puwesto sa overall.

Matikas naman ang pagtatapos ni Juvenile Faye Crisostomo nang pangunahan ang Tamaraws sa female team event kasama sina Winlou dela Cerna at Leonarda Nicole Landrito tangan ang 8.330 puntos. Nakamit din ng FEU ang bronze sa male team category.

Samantala, magsisimula ngayon ganap na 9:00 ng umaga ang three-day taekwondo tournament (men’s and women’s division) sa Katipunan venue.