Ni BRIAN YALUNG

HINDI lamang pansariling kampanya ang napagtagumpayan ni Krizziah Tabora sa katatapos na 53rd QuibicaAMF Bowling World Cup, bagkus ang local bowling sa kabuuan.

Bago ang tagumpay, nasa sulok ng usapin ang bowling bunsod nang kabiguan makapag-uwi ng titulo sa international competition. Sa pagbabalik ng Pinoy sa pedestal ng world championship, inaasahang balik din ang atensyon ng sambayanan sa sports na nakalikha ng dalawang world-record holder sa katauhan nina Paeng Nepomuceno at Bong Coo.

tabora copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Before mag-start, nagpray po ako na sana alisin ni God yung kaba ko or kahit bawasan man lang niya. Then Iniisip ko lang po frame by frame and good shots lang. Kinakausap ko po si Jomar (Jumapao) para rin po ma-distract ako and mabawasan yung kaba. Then kapag titira na po ako, iniisip ko lang na “good shot lang,” punong-puno nang emosyon na pahayag ni Tabora sa ekslusibong panayam na MB Sports Online.

Ni wala sa kanyang hinagap ang maging kampeon. Inamin niya na masaya na siya na maging bahagi ng National Team at sumabak sa international; competition.

“No. Talagang ine-enjoy ko lang po mag compete and i-represent yung Philippines,” sambit ni Tabora.

Hanggang ngayon, sinabi ni Krizziah na hindi pa rin siya makapaniwala na nakadikit na sa kanyang pangalan ang World Champion. Higit ang kaganapan sa kanyang pagdating Martes ng gabi sa inaasahang ‘hero’s welcome’.

“Sobrang laking achievement po ito for me! At hanggang ngayon po hindi ko pa po na-a-absorb na world champion po ako.

Maybe when I get home. Ang masasabi ko lang po, I will do my very best sa lahat ng sasalihan ko pong tournaments,” pahayag ni Tabora.

Tulad ng sambayanan, nakikiisa sa pagdiriwang si PH national bowling coach Paeng Nepumoceno, may tangan nang record na four world titles (1976, 1980, 1992 at 1996).

“Siyempre we are happy that Krizziah Tabora won the 2017 Bowling World Cup. We have a new world champion. Masayang masaya kami. Sumisikat ulit bowling,” sambit ni Nepomuceno.

Aniya, ang tagumpay ni Tabora ay makatutulong sa kanyang adhikain na maibalik ang masayang panahon at tagumpay ng bowling sa local at international.

“That’s why when I accepted the head coaching job of the Philippine team, my main goal/ objective was to bring back the glory days of bowling. We are slowly getting there,” pahayag ng 60-anyos na bowling icon.

Kinatigan naman ni Krizziah ang mga pahayag ni Nepomuceno.

“I hope malaking tulong po ang pagkapanalo ko para muling sumikat po ulit ang bowling sa Philippines at lalong mabigyang pansin ng government ang mga pangangailangan ng mga atleta.”

Sunod na sasagupain ni Tabora ang World Championships sa Las Vegas sa Nobyembre Nov. 24. At kahit, tangan na niya ang korona, gagamitin pa rin umano niya ang nakagawian.

“Same goal pa rin po, just enjoy representing the country and playing the game. Laban lang!” aniya.

“To all the aspiring bowlers, keep on reaching your dreams, it doesn’t happen overnight. You may fail along the way but just keep on fighting and don’t give up because one day you will succeed. And of course, love what you do and enjoy!”

Makakasama niya sa kampanya ng bansa sina Liza Del Rosario, Liza Clutario, Bea Hernandez, Lara Posadas at Alexis Sy, gayundin sina Kenneth Chua, Kevin Cu, Jomar Jumapao, JP Macatula, Raoul Miranda at Merwin Tan sa men’s side.

“We’ve been training all year round for this. This is our last event of the year,” pahayag ni Nepomuceno.