Ni: PNA

HUMINGI ng tulong si Health Secretary Dr. Francisco Duque III sa iba’t ibang stakeholders upang pataasin ang vaccination rate sa mga bata, na nasa 70 porsiyento noong 2016, malayo sa puntiryang maisakatuparan ng kagawaran.

“Today, our vaccination coverage for fully immunized children or FIC is far from the 95 percent target and, in fact, has fallen to 70 percent as of 2016, according to the Family Health Survey Information System,” sinabi ni Duque sa 18th Philippine National Immunization Conference na ginanap sa Muntinlupa City kamakailan.

“This is not acceptable,” ayon sa kalihim, lalo na at patuloy na nadadagdagan ang budget ng Department of Health para sa pagbabakuna sa nakalipas na mga taon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga doktor, nurse, midwife, at iba pang health care practitioner na dumalo sa pagpupulong, sinabi ni Duque: “So, you help us. Under this administration of President (Rodrigo) Duterte and under this new administration of the DoH, under my stewardship, I need your support. I need you to rally behind (Department of Health) for a more aggressive pursuit of our national immunization program.”

Sinabi ng kalihim na kailangang mamahagi ang kagawaran ng mga bakuna sa mga liblib at malalayong lugar, gaya ng mga islang munisipalidad.

“We also have to get complementary vaccinators to do the job,” dagdag pa niya.

Inihayag din ni Duque ang importanteng tungkulin ng mga lokal na pamahalaan dahil sinisikap ng mga magbabakuna na maabot ng serbisyo nito ang bawat purok.

Gayundin, inilahad ng tagapagsalita ng Department of Health na si Dr. Lyndon Lee Suy, na nagbibigay ang mga lokal na pamahalaan ng mga kinakailangang bagay upang maipatupad ang programa sa pagbabakuna.

Ang isa pang hamon, ayon kay Lee Suy, ay sa paglaki ng populasyon ay lumalawak din ang saklaw ng programa.

“At alam naman natin na ang population ng health workers ay ‘di naman tumataas,” aniya.

Sinabi rin niya na ang National Immunization Program ay hindi lamang para sa mga bata kundi para rin sa matatanda at senior citizens.

Samantala, ipinahayag ni Dr. Sally Gatchalian, pangulo ng Philippine Pediatric Society, ang kanilang suporta sa mga programang pangkalusugan ng gobyerno, kabilang na ang immunization program.

“We have the childhood immunization schedule that we actually follow, because it has antigens that are not included in the National Immunization Program. But at least the government has basic vaccines that are needed by children, particularly those less than one year of age,” sabi ni Dr. Gatchalian.