Ni: Argyll Cyrus B. Geducos
Nangako si Pangulong Duterte na susuportahan ang Japan sa paninindigan nito laban sa North Korea, at binigyang babala ang North Korean leader na si Kim Jong Un na huwag pagbantaan ang mundo gamit ang mga nukleyar na armas ng bansa nito.
Ito ang inihayag sa bilateral meeting ni Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Lunes ng gabi.
“We are supporting you against what North Korea is doing. We condemn the continued posturing of North Korea with the nuclear weapons,” sinabi ni Duterte kay Abe.
“We have said it several times already in the past that it is not to the interest of North Korea to swagger around and threaten the world, of keeping us hostage with the atomic weapons.
“We condemn his several launching of missiles. It is bad. It puts a strain on everybody, not only in Japan but all over the world,” dagdag pa ni Duterte. “And he should realize that he’d be responsible for ending life in this planet if his mind goes out of control.”
Sinabi pa ni Duterte kay Abe na kinukumbinse ng ASEAN si Kim na itigil na ang pagiging agresibo nito.
“That is why we are persuading him, maybe pleading him to stop the aggressive posture. The Philippines is about too far but, you know, nobody will save us from a holocaust if it happens,” ani Duterte.
Kasabay nito, muling nagpasalamat si Duterte sa naitulong ng Japan upang matuldukan ang digmaan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Tiniyak din ni Duterte kay Abe na mananatili ang mabuting ugnayan ng Pilipinas at Japan “in the strongest possible language that we have a very strong bond. It’s almost a sentimental attachment for many years.”
Nangako naman si Abe na paiigtingin pa ng Japan ang pakikipagtulungan nito sa mga bansang ASEAN sa lahat ng larangan.