KILALA ang mga Pilipino sa pagiging mapagmahal. Inaayos natin ang mga hidwaan nang may malasakit sa kapwa, rumerespeto sa ating pagkakaiba-iba, iniibsan ang mga sakit gamit ang kabutihan, dumaramay sa mga nangangailangan, at may matibay na pananalig sa Diyos.

Kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagpapalaganap ng love ngayong Pasko copy

Ngayong Pasko, mangingibabaw ang mga katangiang ito sa ABS-CBN Christmas Station ID na nagpapakita ng tunay na imahe ng pagmamahal at kabutihan ng mga Pilipino. Mapapanood din dito ang pagkakaisa ng mahigit isang daang Kapamilya personalities na nais bigyang inspirasyon ang buong bansa na pairalin ang pag-ibig ngayong panahon ng Pasko.

Ipapalabas ang bagong station ID ngayong Lunes (Nobyembre 13) pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Silipin ang mga larawan o video ng mga totoong Pilipino na nagpakita ng pagmamahal at pag-asa sa kapwa sa kanilang sariling paraan na kumalat online. Ang ilang Kapamilya stars naman, makikitang gumagawa ng sulat para sa ating mga kababayan sa Marawi o kaya ay gumagawa ng kanilang sariling proyekto para makatulong.

Kabilang sa kanila sina Coco Martin at buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, Vice Ganda atAnne Curtis ng It’s Showtime family, mga love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Enrique Gil at Liza Soberano, James Reid at Nadine Lustre, Kapamilya hunks na sina Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, Paulo Avelino, Gerald Anderson, at mga leading lady na sina Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, Julia Baretto, at Iza Calzado.

Makikita rin ang mga artista mula sa Wildflower, Pusong Ligaw, The Promise of Forever, Banana Sundae, Magandang Buhay, atLa Luna Sangre, maging ang mga anchor ng TV Patrol, UKG, Rated K, Red Alert, Matanglawin,ANC, at DZMM.

Kasama rin sa station ID ang mga Kapamilya mula sa Star Music, Tarsier Records, ABS-CBN S+A at iba pang bahagi ng ABS-CBN.

Ginawa ang ABS-CBN Christmas Station ID 2017 ng ABS-CBN Creative Communications Management Division sa pamumuno nina Robert Labayen, Johnny Delos Santos, at Patrick de Leon at idinirehe nina Paolo Ramos, Peewee Azarcon Gonzales, at Lorenz Roi Morales. Sinulat ang mga salita nina Robert Labayen, Lloyd Oliver Corpuz, at Christian Faustino at nilapatan ng musika niJimmy Antiporda.

Pinangungunahan nina Sarah Geronimo, Gary Valenciano, Martin Nievera, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Ogie Alcasid, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Billy Crawford, Yeng Constantino, ASAP regulars, at mga winner ng mga talent reali

ty program ng ABS-CBN ang mga boses sa Just Love Ngayong Pasko.

Wala pang isang linggo ay umabot na sa 3 milyong views sa Youtube ang recording lyric video ng awit sa pag-aabang ng mga Pilipino sa tradisyong ito ng ABS-CBN.Ang mga miyembro ng 2017 SID Creative at Production Team ay sina Sheryl B. Ramos, Christian Faustino, Christine Joy Laxamana, Love Rose De Leon, Mark Raywin Tome, Leeroy Lim, Angela Suarez, Djoanna San Jose, Sebb Turgo, Regine Binuya, Shally Tablada, Christian Paul Santos, Jaco Joves, Martin Vargas, Dang F. Baldonado, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Adrian Lim, Lota I. Rosales, Chiz Constantino-Perez, Edward Ramirez, Mark Bravo, Christer John Salire, Christine Daria-Estabillo, Karen Adiova, Stephanie Angeles, Christian Abuel, Lawrence Sibug, Elai Blando, Harvey dela Cruz kasama sina ABS-CBN Integrated Marketing Head, Nandy Villar, Corporate Marketing head, Christian Wong, Corporate Marketing Manager, Jed Maralit, at Corporate Marketing specialist Jennifer Bautista.

Tumulong sa SID Team ang ABS-CBN TV Entertainment, ABS-CBN News, ABS-CBN Regional, ABS-CBN Sports and Action, ABS-CBN Digital Terrestrial Television, ABS-CBN Digital Media Division, ABS-CBN Licensing, ABS-CBN Star Magic, ABS-CBN Property Management, ABS-CBN Global, ABS-CBN Safety at Security, ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., ABS-CBN HR Division, ABS-CBN Corporate Communications, at sina Tess Perez-Mendoza at Aye Duñgo,Traffic & Operations; Jaime Porca, Technical Production Head; Ralph Francisco, TOD Technical Producer; Sam Esquillon, Production Designer; Hannah Abdul, Art Director; Oliver Paler, Dennis Amarille, Alfie Landayan, Meryl Pacis, Maria Concepcion Ignacio-Salire, Mark Gonzales, Sebb Turgo, Jasper Herrera, Raphael dela Rea, Karlo Victoriano, Joseph Linga, Shane Ibanez, Teters Enrique, Post Production Team; Andrei Antonio, Mark Antonio, Karl Montenegro at Joseph delos Reyes, Videographers; Regine Binuya, Aileen Gooco at Isha Rosabal, Photographers; Rochelle Tan at Hilda Torres; Print Graphic Designers; Arnold Sulit, Location Manager;Jesusa Canilang, Chelly Coching at Salve Penalosa, Production Coordinators; Carlo Frances Luayon, Researcher.

Pinasasalamatan din sina Dir. Laman M. Piangng the Bureau of Muslim Cultural Affairs,Ramah Dan Aguam, Aleem Mohammad Cana, Basher Tomilang, Mosmar Mamad at Rueda E. Usman at ang mga taong nagbahagi ng kanilang kuwento ng pagmamahal sa Internet:Jerremie Villanueva, Mar Cheri D. Galvez, Aizel Arellano Maulion, Amer Riga, JJ Villanueva, Modern Nanays of Mindanao/Nadine Angelica G. Casino, Jerven Recaplaza Anding, Francis Zion B. Jerusalem, Louise Suarez, P01 Jeoffry Galasgas, Herlyn Orilla, Adrianne at Jason Stewart, Desiree Mantalaba, at Ronadel Bedia.