Ni: Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY – Sinuspinde ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan kahapon ng madaling araw ang klase sa pre-school, elementary, at high school dahil sa “very serious traffic problem” sa siyudad.

Bandang 5:30 ng umaga kahapon nang ideklara ni Domogan ang suspensiyon ng klase sa Baguio para sa mga araw ng Martes at Miyerkules, Nobyembre 14-15.

Sinabi ng alkalde na “considering the unexpected arrival of visitors and the very serious traffic problem in our city, we have no excuse but to suspended classes on Tuesday ‘til Wednesday.”

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matindi ang dinaranas na trapiko sa Baguio simula nitong Sabado makaraang libu-libong lokal na turista ang dumagsa sa Summer Capital of the Philippines kaugnay ng suspendidong klase at trabaho sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga dahil sa ilang araw na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Sinamantala ng maraming walang pasok sa trabaho at eskuwela ang ilang araw na bakasyon at nagsiakyat sa Baguio—na hindi naman inasahan ng siyudad.