Ni FER TABOY
Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Colombian na nagtangkang magpuslit ng P8 milyon halaga ng hinihinalang cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang suspek na si Alberto Pedraza Quijano, na nakumpiskahan ng 79 na rubber pellets ng umano’y cocaine na may bigat na 1.185 kilo at nagkakahalaga ng P8.89 milyon.
Ayon kay Ismael Fajardo, Jr., hepe ng PDEA-Metro Manila, nadiskubre sa tiyan ni Quijano ang droga nang isalang ito sa x-ray exam sa Pasay General Hospital.
“Umaga kahapon (Lunes) n’ya nag-umpisa ilabas ito... It took him more than 24 hours para mailabas niya ‘yung 79 rubber pellets,” sabi ni Fajardo.
Ayon sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, maaaring miyembro ng international drug syndicate si Quijano at modus niyang lunukin ang mga droga upang maipuslit ito sa isang bansa.