Ni: Marivic Awitan

ITINALAGA bilang University of Perpetual Help executive volleyball director at bagong women’s coach si Macky Cariño.

Binitawan ni Carino ang kanyang posisyon bilang head coach ng College of St. Benilde Lady Blazers na nauna na niyang nabigyan ng dalawang NCAA championships upang maging overall in charge ng Perpetual Help’s volleyball program at mentor ng Lady Altas sa darating na NCAA volleyball tournament sa susunod na buwan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I resigned to assume a bigger role, which is to handle not only the women’s volleyball team but Perpetual Help’s volleyball program as a whole,” wika ni Carino.

Si Carino ang papalit kay Sammy Acaylar na ngayo’y athletic director ng unibersidad.

Gayunman, mananatili naman si Acaylar bilang men’s volleyball coach.

“Perpetual Help already has a strong volleyball program and I’m here to just continue it and hopefully make some improvements,” ayon pa kay Carino.

Tiwala si Acaylar na makakayang gampanan ng maayos ni Cariño ang kanyang tungkulin.

“Everybody knows he (Carino) is my protégé and I’m confident he can do the job well, maybe even better.”

Sa pagkawala ni Carińo tatayong interim coach ng women’s team ng St. Benilde ang kanilang men’s coach na si Arnold Laniog.