Ni: Orly L. Barcala

Apektado sa ngayon ang serbisyo ng Caloocan Police Station sa publiko, matapos masunog ang nasabing himpilan ng pulisya na ikinasugat ng isang fire volunteer, kahapon ng madaling araw.

A fire engulfed the Caloocan Police Station  in Samsong Road, Sangangdaan Caloocan this morning. A fire raised to 4th alarm and put undercontrol around 6:04. ( Jun Ryan Arañas )
A fire engulfed the Caloocan Police Station in Samsong Road, Sangangdaan Caloocan this morning. A fire raised to 4th alarm and put undercontrol around 6:04. ( Jun Ryan Arañas )

Base sa report, dakong 4:30 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa Caloocan Police Station na matatagpuan sa kahabaan ng Samson Road, Caloocan City.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kabilang sa mga nasunog ay ang Operation Department, Office Supply, Personnel Department at Investigation.

Nasunog din ang opisina ng Northern Media Group, CAMANAVA Press Corps at SOCO Satellite Office na magkakatabi.

Nasugatan sa kaliwang kamay ang fire volunteer na si Rodievier Ignacio ng Caloocan East Fire Station.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at ideneklarang fire out bandang 6:00 ng umaga.

Inaalam na ang sanhi ng sunog na lumamon sa P2 milyon halaga ng ari-arian.