NI: Gilbert Espeña
MULING nagbigay ng karangalan sa bayan si Filipino Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. matapos ang 3rd overall sa blitz side event sa pagpapatuloy ng 27th World Senior Chess Championship 2017 (50+ and 65+ Open-men and women) nitong Linggo sa Acqui Terme, Italy.
Tinalo ng 55-years-old Calapan, Oriental, Mindoro native si IM Peter Hardicsay ng Hungary sa 9th at final round tungo sa 7.0 puntos mula sa pitong panalo at dalawang talo.
Si IM Alexander Reprintsev ng Ukraine ang nagkampeon na may natipong 8.5 puntos kasunod si Rolf Fritsch ng Germany na may 7.5 puntos. Ang dalawang manlalaro ang tumalo kay Antonio sa Nine Round Swiss-system blitz tournament.
Una rito, tinalo ni Antonio sina Johannes Melkevik ng Norway, Corrado Astengo ng Italy, at FM Jorge Arturo Vega Garcia ng Mexico sa first three outings pero nabigo kay eventual champion Reprintsev sa 4th round.
Nanumbalik ang lakas ni Antonio matapos padapain sina Moshe Gal ng Israel sa 5th, Tiziano Godani ng Italy sa 6th, at FM Christoph Frick ng Germany sa 7th round, bago yumuko kay runner-up Fritsch sa eight round at kasunod na tinalo naman si Hardicsay sa huling laro.
Ayon kay Atty. Cliburn Anthony A. Orb eng NCFP, si Reprintsev na kampeon sa blitz chess ay tinalo ni Antonio sa loob lamang ng apat na sulungan sa Round 4 ng World Senior chess main event.
“In the main tournament, (GM Rogelio) Joey (Antonio) as white won against (IM Alexander) Reprintsev in 4 moves, (1. e4 d5 2. ed5 Qd5 3. Nc3 Qb5 4. Bb5 black resigns.), pahayag ni Orber na matiyagang nanood ng live streaming sa chessbomb.com.
“Joey already wrote in his score sheet Qa5 when he noticed that the queen was on b5,” ani Orbe, director ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).