Ni: Mina Navarro

Nakatakdang palayasin ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhan na inaresto sa pagiging undesirable aliens.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga inaresto na sina Pan Guisheng, Chinese; at Reddy Koyanna Venugopal Krishna, Indian.

Dinakip si Guisheng, 73, sa loob ng Jade Tower Condominium sa 2nd Avenue, Caloocan City, na wanted sa economic crimes sa China.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Samantala, si Krishna, 38, ay inaresto sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang acts of lasciviousness, estafa at pag-iisyu ng talbog na tseke.

Sinabi ni Morente, na si Guisheng ay banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko dahil sa pagiging pugante.

Idinagdag pa ng komisyuner na si Guisheng ay isang undocumented alien matapos kanselahin ng Chinse government ang kanyang pasaporte.

Para naman kay Krishna, sinabi ni Morente na nag-isyu na ng summary deportation order ang BI board of commissioners laban sa Indian dahil sa pagiging undesirable alien.

Gayunman, ipinaliwanag ni Morente na hindi pa mapapalayas ng bansa si Krishna dahil sa nakabimbin na mga kasong kriminal laban sa kanya.

Nabatid na ang dalawang dayuhan ay isasama sa immigration blacklist.