Ravena, sumegunda sa La Salle star forward

Ni Marivic Awitan

DOBLE ang selebrasyon ng La Salle Green Archers hindi pa man nakukumpleto ang minimithing titulo.

Matapos tuldukan ang winning streak ng archrival Ateneo Blue Eagles – sa pinakaimportanteng yugto ng double-round elimination – muling tinanghal na Most Valuable Player si ‘Big Ben’ Mbala sa ikalawang sunod na season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

BIG BEN! Back-to-back MVP sa La Salle star forward.  RIO DELUVIO
BIG BEN! Back-to-back MVP sa La Salle star forward. RIO DELUVIO
Milya-milya ang layo ng Cameroon national team member para sa labanan sa pinakamataas na parangal sa indibidual recognition sa premyadong collegiate league ng Season 80 tangan ang kabuuang 96.5833 statistical points,batay sa resulta ng UAAP statistics provider Imperium Technology.

Malayong nakabuntot si Thirdy Ravena ng Ateneo na may SPs 66.5.

Naitala ni Mbala, bigong makalaro sa unang dalawang laban ng Green Archers para magsilbi sa Cameroonian team sa Fiba Afrobasket, ang averaged 26.0 puntos, 13.1 rebounds, 1.3 assists, 1.3 steals, at 2.5 blocks sa kabuuang ng double-round elimination.

Hataw si Mbala sa nakubrang 28 puntos nang biguin ng La Salle ang tangkang ‘sweep’ ng Ateneo, 79-76, nitong Linggo sa pagtatapos ng elimination round.

Naitala ni Mbala ang career-high 39 puntos nitong October 4 kontra University of the East.

Bukod sa pagiging offensive treat sa loob, sumingasing din ang 6-foot-8 na si Mbala sa three-point area kung saan naitala niya ang 9-of-31.

Tinanghal naman Rookie of the Year si Juan Gomez de Liano ng University of the Philippines.

Nanguna si Gomez de Liano sa mga kapwa rookie at ika-14 sa overall statistical points na may 46.6923 total SPs.

Nakuha ng 17-anyos na si Gomez de Liano ang averaged 11.6 puntos kada laro – ikatlong sa UP Maroons team sa likod nina Paul Desiderio at Jun Manzo.

Naitala din ng 6-foot-0 guard ang 6.2 rebounds, 2.5 assists, at 1.0 steals kada laro. Huling naging ROY ang UP player noong 2013.