Pinadalhan na kahapon ng subpoena ng Land Transportation Office (LTO) ang pasaway na aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez, makaraang lantarang suwayin ang ipinatutupad na panuntunan sa paglalaan ang ASEAN lane sa EDSA nitong Sabado ng gabi.

Pinagpapaliwanag si Lopez sa mga kasong disregarding traffic signs, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act, at reckless driving.

Matatandaang nag-viral ang post ni Lopez nitong Sabado ng gabi makaraan niyang aminin na inalis niya ang mga traffic cone para mapasok ang ASEAN lane, na nagbunsod upang sundan siya ng iba pang motorista.

“I removed the divider cones! Then all other motorists behind me followed! MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate! If you can’t beat them, join them!” post ni Lopez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante na pag-aaralan nilang mabuti kung ano ang naaayon na gawin sa kaso at tiniyak na ilalagay sa tamang proseso sa imbestigasyon, at magdedesisyon batay sa katotohanan at sa “rule of law”.

Nag-post na ng paghingi ng paumanhin si Lopez nitong Linggo ng gabi, ikinatwirang ginawa lamang nkya iyon dahil sa “human nature to survive”.

“Lopez’ apology is a good realization on her end but the law needs to be enforced and applied equally. Otherwise, compliance of the law will remain an option, an alternative. Self-discipline is supreme,” sabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) spokesperson Atty. Aileen Lizada.

Sinabi naman ni Celine Pialago, tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na inilagay ni Lopez sa alanganin ang kapakanan ng ibang motorista sa paggamit nito sa ASEAN lane, dahil maaari pa itong mapagkamalang terorista at banta sa seguridad.

Kahapon, tinanggap na ni LTO Chief Operating Officer Director Audie Arroyo ang rekomendasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendihin o kanselahin ang driver’s license ni Lopez. - Jun Fabon at Bella Gamotea