NAGDIWANG sa center court ang mga miyembro at tagasuporta ng La Salle Green Archers sa tila kampeonatong laro kontra sa Ateneo Blue Eagles.  (MB photo | RIO DELUVIO
NAGDIWANG sa center court ang mga miyembro at tagasuporta ng La Salle Green Archers sa tila kampeonatong laro kontra sa Ateneo Blue Eagles. (MB photo | RIO DELUVIO

WALA mang malaking pagbabago na magagawa patungo sa kanilang kampanya sa Final Four round, napakahalaga para sa defending champion De La Salle University ang naitalang huling panalo kontra archrival Atenio de Manila nitong Linggo sa pagtatapos ng double elimination round ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament.

Para sa Green Archers, ipinapakita ng kanilang 79-76 panalo kontra Blue Eagles na patungo na sila sa peak ng kanilang laro papasok sa krusyal na bahagi ng torneo.

“We’re in a very good spot because we’re peaking at the right time,” wika ni La Salle coach Aldin Ayo. “The players have been very responsible in terms of their commitment to our goal.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinatunayan naman ang tinuran ni Ayo ng kanilang Cameroonian center na si Ben Mbala, matapos nitong magtala ng 28 puntos at 19 rebounds, gayundin ni Ricci Rivero na nag-ambag ng 21 puntos sa nasabing panalo ng Green Archers.

Naunsiyami ng La Salle ang tangkang elimination-round sweep ng Ateneo Blue Eagles gayundin ang dapat na outright entry nito sa Finals.

Sa halip na stepladder semifinals, sasalang ang La Salle sa Final Four na taglay pa rin ang twice-to-beat advantage kontra Adamson Falcons na mistulang rematch ng nakaraang taong Final Four.

Gaya nila, sasabak ding may taglay na insentibo ang nanatili namang topseed na Ateneo kontra fourth seed Far Eastern University sa isa pang Final Four pairings. - Marivic Awitan