CHAMP! Itinaas nina Jockey Kevin Abobo at trainer Chito Santos, kumatawan kay Oliver Velasquez ng SC Stockfarm – may-ari ng winning horse Hitting Spree – ang tropeo sa awarding ceremony para sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup nitong Linggo sa Santa Ana Park. Nakiisa sa pagdiriwag sina (mula sa kaliwa) Philracom Commissioner Victor Tantoco, Chairman Andrew A. Sanchez, PH Racing Club Executive VP and COO Santiago Cualoping III at Philracom Commissioners Bienvenido Niles Jr. at Ramon Bagatsing Jr.
CHAMP! Itinaas nina Jockey Kevin Abobo at trainer Chito Santos, kumatawan kay Oliver Velasquez ng SC Stockfarm – may-ari ng winning horse Hitting Spree – ang tropeo sa awarding ceremony para sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup nitong Linggo sa Santa Ana Park. Nakiisa sa pagdiriwag sina (mula sa kaliwa) Philracom Commissioner Victor Tantoco, Chairman Andrew A. Sanchez, PH Racing Club Executive VP and COO Santiago Cualoping III at Philracom Commissioners Bienvenido Niles Jr. at Ramon Bagatsing Jr.

NAIC, Cavite – Kaagad na sumagitsit ang Hitting Spree sa unang sigwa ng ratsadahan at matikas na sinagupa ang hamon ng mga karibal, kabilang ang liyamadong Atomicseventynine tungo sa impresibong panalo sa 2017 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup nitong Linggo sa Santa Ana Park.

Tulad ng inaasahan, kumikig ng todo ang Atomicseventynine, ngunit sapat ang lakas ng four-year-old chestnut sa ayuda ni jockey Kelvin Abobo para makahulagpos tungo sa finish line ng prestihiyosong 2000-meter race tampok ang kabuuang P2.5M premyo at pagbibigay parangal para sa San Miguel Corp. Chairman na isang institusyon sa industriya ng horseracing.

“Maganda ang itinakbo ng kabayo. Inaasahan namin ito,” pahayag ng 30-anyos na si Abobo matapos ayudahan ang Hitting Spree sa pinakamalaking karera nitong weekend sa pangangasiwa ng Philippine Racing Commission, Metropolitan Association of Race Horse Owners at Philippine Racing Club.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May kabuuang P11 milyon ang premyo sa mga karera sa buong weekend.

“Performance-wise, I’m very satisfied.”

Nakuha ng Hitting Spree, mula sa lahi ng Grand Slam at Sarrin na kapwa nasa pangangalaga ng SC Stockfarm, ang premyong P1.2 milyon, habang nakopo ng Atomicseventynine ni Joseph Dyhengco ang P450,000. Pangatlo ang She’s Incredible na alaga ng Cool Summer Farm at naguwi ng P250,000.

Sa panig ni Abobo, kumolekta rin siya ng panalo at premyo.

Bago ang Cojuangco Cup, ginabayan ni Abobo ang Brilliance sa panalo sa second leg ng Philracom 3YO Imported Fillies Stakes (1,800-Meter) Race.

Ginapi ng Brilliance ang liyamadong Smokin’ Saturday ni Roberto Inigo (P112,000), at Already Feisty ng SC Stockfarm (P62,500).

Sinakyan din ni Abobo ang Golden Kingdom na humataw sa President Sandy Javier-Marho-Philracom Trophy race laban sa Eletric Truth at Subterranean River.

Hindi naawat ang star jockey nang panalunin ang Shoo In kontra kay Morning Breeze at Niccole Girl sa President Benhur Abalos Trophy, at naipanalo ang Showtime sa Marho Breeders Championship Sprint race, gayundin ang Johnny Be Good sa San Miguel Beer-Marho Breeders Cup Championship Classic (2,000 meters) kontra Lakan at Pinagtipunan.

Tanging si Jockey Pat Dilema, sakay ng Salt and Pepper, ang pumutol sa winning streak ni Abobo nang talunin ang Shining Vic sa Mayor Leonardo Javier Jr. Thanksgiving Cup. Pangatlo ang Boxmeer.