Ipagpapatuloy ang pagrerehistro ng mga botante para sa 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahit na magsisimula na ngayong Lunes ang mahabang holiday dahil sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.

Klinaro ng Commission and Elections (Comelec) sa lahat ng tanggapan nito ay mananatiling bukas sa kasagsagan ng ASEAN Summit holiday sa Metro Manila at sa Bulacan at Pampanga sa Nobyembre 13-15, upang ipagpatuloy ang pagtanggap sa mga aplikante.

“(This) week-long ‘holiday’, #TuloyAngTrabaho sa @COMELEC. #VoterReg2017,” saad ni Comelec Spokesman James Jimenez sa Twitter.

Hinimok ni Jimenez ang mga kuwalipikadong aplikante sa BSKE na samantalahin ang holiday break upang magparehistro.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nitong nakaraang linggo, ipinagpatuloy ng Comelec ang pagrerehistro ng mga botante sa buong bansa—maliban sa Lanao Del Sur—bilang paghahanda sa BSKE, na gaganapin sa Mayo 14, 2018.

Sinabi ng poll body na bukas ang mga tanggapan ng Comelec simula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holiday, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, para sa pagrerehistro.

Magsasagawa rin umano ang Comelec ng off-site/satellite registration upang makahimok pa ng mas maraming magpaparehistro. - Samuel P. Medenilla