SINISI ni Tyrese Gibson ang bagong psychiatric medication niya sa kanyang sunod-sunod na meltdowns online.

Ibinahagi ng Transformers star ang kanyang mga problema sa social media nitong mga nakaraang linggo, at isiniwalat ang ilang mga desperadong post tungkol sa kanyang kinakaharap na laban sa korte upang ipaglaban ang karapatan sa kanyang anak na si Shayla, laban sa dating asawa niyang si Norma.

Tyrese Gibson
Tyrese Gibson
Ginulat din ni Tyrese ang publiko nang awayin niya ang co-star sa The Fate of the Furious na si Dwayne ‘The Rock’ Johnson, at isinapubliko rin ang pagpapautang sa kanya ng mag-asawang Will Smith at Jada Pinkett Smith ng $5 million.

At nitong Sabado, humingi ng paumanhin ang 38 taong gulang sa publiko sa Instagram, dahil sa kanyang mga naging pag-uugali, at inihayag na sumasailalim siya sa psychiatric medication para sa unspecified mental health disorder na mayroong “adverse effect” sa kanya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I want you guys to know that to this day I don’t drink, smoke or on any level do I do drugs,” saad niya sa post, kasama ang imahe ng Rexulti drug packaging box. “I was advised then ultimately connected with multiple therapist and psychiatrist (sic) I had a few private meetings and this particular drug that was suggested although maybe helpful to others had an adverse effect on me and this is the reason I had a complete meltdown online”.

Sinabi rin ni Tyrese ang “high stress” at ang “very traumautic experience” na nakapag-ambag sa kanyang breakdown, ngunit ngayon ay maayos na siya.

“I’m in the clear now, this (medication) is being flushed out of my system and I’m already to get back at 100%,” dagdag pa niya at bago niya sinabing “so very sorry” sa kanyang mga nagawa na.

Tinapos ni Gibson ang kanyang post sa kanyang custody case, para sa anak na si Shayla, sa dating asawang si Norma, na nagsabing mayroong bipolar disorder dati si Gibson.

“Okepease guys just know again this is not the Singer, actor this is Shayla’s father,” aniya. “This will NOT compromise my case.... This is transparency and honesty and more of a suggestion, please seek professional opinions when it comes to drugs especially psychiatric meds.”

Inakusahan ni Norma, kasal sa bituin simula noong 2007 hanggang 2009, na pinalo ng malakas ni Tyrese si Shayla, na naging sanhi upang mahirapan itong umupo. Patuloy ang pagdinig ng usapin sa korte. - Cover Media