Ni Brian Yalung

NAISALBA ni Pinay kegler Krizziah Lyn Tabora ang pagiging dehado nang gapiin si Professional Women’s Bowling Association (PWBA) titlist Siti Rahman ng Malaysia, 236-191, nitong Linggo at tanghaling kampeon sa 53rd Qubica AMF Bowling World Cup sa Hermosillo, Mexico.

Unang pinatalsik ni Tabora si Rocio Restrepo ng Colombia sa second women’s semifinal (249-222) para makuha ang karapatan na sumabak sa championship round.

Tabora
Tabora
Naunang nakausad si Rahman sa Finals nang pabagsakin ang top seed at defending champion na si Jenny Wegner ng Sweden, ayon sa ulat ng Bowl.com.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kontra sa beteranong karibal, hindi naging madali ang iskor ng 26-anyos sa unang ratsadahan, ngunit nang magsimulang maginit nagdiretso na ang kanyang ratsada tungo sa impresibong panalo sa Bol 300 lanes ng Sonora, Mexico

“I know people at home have been watching on the live streaming and I’ve already got lots of notifications from friends and family. It has been a good year for me. Our ladies team won bronze in the SEA Games and then we got silver in the Asian Indoor Games. But this is far and away the best!” pahayag ni Tabora sa panayam ng QubicaAMF.com.

Tunay na makapagbibigay ng bagong anyo sa local bowling ang panalo ni Tabora, miyembro ng Philippine Team na nagwagi ng bronze sa Southeast Asian Games sa 2015 Singapore at 2017 Malaysia.

Sa men’s division, giniba ni American Jakob Butturff si Colombian Oscar Rodriguez, 246-201, para sa titulo.

Naunang tinalo ni Butturff si Malaysian Ahmad Muaz, 266-176, sa semifinal, habang nagwagi si Rodriguez, ang No. 4 seed, kay top seed Venezuelan Ildemaro Ruiz, 232-193, sa hiwalay na semifinal match.

“I was leading the US Open by 600 pins but I lost in the final. That was heartbreaking but this makes up for it. I’ve now won 13 PBA regional titles and two national titles so I came here full of hope. It’s just great to win such a prestigious title,” sambit ni Butturff sa tournament website.