Joseph Blatter (L)  at Hope Solo (R) (FABRICE COFFRINI, Jason Merritt / AFP)
Joseph Blatter (L) at Hope Solo (R) (FABRICE COFFRINI, Jason Merritt / AFP)

LOS ANGELES (AP) – Isiniwalat ni football superstar Hope Solo ng United States sa panayam sa Portugal na hinipuan siya ni dating FIFA president Sepp Blatter sa kasagsagan ng Ballon d’Or awards ceremony noong 2013.

Sa panayam na nalathala nitong Biyernes sa newspaper Expresso, sinabi ni Solo na hinupuan siya ni Blatter sa kanyang puwit habang papaakyat sa stage para magbigay ng parangal sa taunang awards night.

Kinumpirman ng kinatawan ni Solo ang ulat sa The Associated Press, ngunit sinabi nitong wala nang iba pang komento na maibibigay ang dating goalkeeper ng US women’s national team.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Hindi nakuha ng AP ang sagot ni Blatter, ngunit sinabi ng kontrobersyal na lider sa panayam ng Guardian newspaper: “This allegation is ridiculous.”

Pinangunahan ni Solo ang US team sa 2015 Women’s World Cup championship kung saan nalimitahan n g Americans ang mga karibal sa tatlong goal sa pitong laro.

Tangan ni Solo ang 153 career win sa 202 laro bilang miyembro ng US Team.

Huling naglaro si Solo sa US Team sa Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan natalo ang Americans sa Sweden sa quarterfinals.Tinawag niyang ‘cowards’ ang Swedish team bunsod ng istilo nito na naging dahilan naman ng kanyang suspensyon sa koponan.

Napatalsik naman si Blatter sa puwesto bunsod nang pagkakadawit sa korupsyon sa federation.