Joe Lipa, left, and league governor Bobby Rosales (Jonas Terrado | Manila Bulletin)
Joe Lipa, left, and league governor Bobby Rosales (Jonas Terrado | Manila Bulletin)

Ni Tito S. Talao

LOS ANGELES – Kung anuman ang kahinatnan ng kapalaran ng KIA Picanto sa Philippine Basketball Association (PBA), nakasalalay ang lahat kay dating national coach at ngayo’y team manager na si Joe Lipa.

Mismong si Bobby Rosales, kinatawan ng KIA sa PBA board of governors, ang nagpahayag nang pagkakaroon ng ‘blanket authority’ ni Lipa sa koponan.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

At kung sadsad man ang KIA sa 0-11 sa nakalipas na 2017 PBA Governors Cup, na kay Lipa ang responsibilidad.

Ayon kay Rosales, binigyan nila ng karapatan si Lipa na magbuo ng koponan na naaayon sa kanyang ‘vision’ at basketball philosophy na gamit niya sa matagumpay na kampanya ng National Team.

“Joe has no timetable to turn things around,” sambit ni Rosales. “That would be unfair to him because I know how difficult it is to form a competitive team.”

Nalagay sa ‘hot water’ si Rosales bunsod ng kontrobersya na nilikha ng trade ng KIA para sa NO.1 pick sa nakalipas na drafting sa San Miguel Beer kapalit ng tatlong bench players. Sa naturang trade, nakuha ng SMC si Fil-German Christian Standhardinger.

Sa kabila ng maingat na pananalita bunsod na rin sa napagkasunduan ‘pananahimik’ sa isyu, iginiit ni Rosales na karapatan ng KIA ang pagpili sa nais nilang direksyon.

Ngunit, ang nilikhang kontrobersya ay naging daan din para sa pagpapatalsik ng majority boatd member kay PBA Commissioner Chito Narvasa.

“It’s Joe’s call, and I told him ‘this is your chance to demonstrate your idea,’” sambit ni Rosales.

Kinumpirma ni Rosales na mananatili si Chris Gavina bilang head coach ng KIA, habang sina dating University of the Philippines coach Ricky Dandan at dating PBA player Art dela Cruz ang kanyang assistants.

Nakuha ni Gavina ang coaching position matapos tumanggi si boxing icong Manny Pacquiao na mag-renew ng kontrata.

“We had no players when we came in. We sought concession from the PBA to bring up players of our own but it was not allowed, so we had to find ways to fill up our roster,” pahayag ni Rosales.

Kinumpirma din ni Rosales ang paglalagay sa ‘trading block’ kay point guard LA Revilla, ngunit itinanggi niyang ang dahilan ay ang negatibong mensahe nito a ‘Twitter’.

“He is no longer practicing with us, and we have made clear to his agent that we are open to any trades that would be mutually acceptable to both parties,” sambit ni Rosales. “Ayaw din naman namin na pigilan yung bata kung gusto na niyang umalis.”