Gina Iniong vs Priscilla Hertati Lumbangaol (ONE Championship photo)
Gina Iniong vs Priscilla Hertati Lumbangaol (ONE Championship photo)

HINDI lamang ang local crowd ang pinahanga ni Pinay fighter Gina Iniong sa kanyang impresibong panalo sa One: Legends of the World, kundi mismong ang chairman ng nangungunang mixed martial arts promotion sa Asya.

Ayon kay ONE FC Chairman Chatri Sityodtong, napipisil niya si Iniong na ilaban kay Mei Yamaguchi ng Japan bilang kapalit ni ONE superstar at Atomweight champion Angele Lee ng Singapore sa ONE:Immortal Pursuit sa Nobyembre 24 sa Singapore.

Hindi makalalaban ang 24-anyos na si Lee matapos maaksidente sa Hawaii.Sumasailalim siya sa masusing medical attention dahil sa posibleng ‘concussion’.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naitala ni Iniong ang kahanga-hangang panalo kontra sa beteranong si Priscilla Gaol sa undercard ng One event sa MOA Arena nitong Biyernes nang kanyang paliguan ng sunod-sunod na strikes ang karibal tungo sa TKO win sa ikalawang round at mahila ang marka sa 6-2.

“That’s literally what Matt Hume said to me, and I said let’s do it. Gina has been offered to fight Mei on two weeks notice, let’s see if Gina accepts, but that is a massive fight for Gina, right?” pahayag ni Sityodtong sa panayam.

“Let’s see if Mei accepts, that’s a massive massive fight, because of Gina wins, then we’re talking a title shot against Angela Lee,” aniya.

Kung matutuloy, kumpiyansa ang 5-foot-2 Filipina slugger dahil nagapi na niya si Yamaguchi sa kanilang pagtatagpo sa hiwalay na MMA outfit – PXC 43 – noong 2014.

“Kabisado ko na rin laro niya. Kung matuloy, walag problema sa akin. Subsob po ako sa training at ensayado,” sambit ni Iniong.

Kung sakali, posibleng hindi interim championshiop ang paglalabanan ng dalawa.