Ni ROY C. MABASA
Pinasalamatan kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano si United States President Donald Trump sa “generous offer” nito na mamagitan sa usapin ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
“We thank him for it. It’s a very generous offer because he is a good mediator,” sinabi ni Cayetano sa mga mamamahayag, at idinagdag na si Trump ay “master of the Art of the Deal.”
“He wants it to be a world of peace and stability,” sinabi ni Cayetano sa mga mamamahayag sa ambush interview sa kanya sa labas ng isang ASEAN-related meeting sa isang hotel sa Pasay City. “You can see that President Trump wants this to become a better world.”
Gayunman, sinabi ni Cayetano na hindi naman maaaring iisang bansa lamang ang tumugon sa nasabing alok ni Trump dahil maraming karatig nating bansa ang umaangkin sa mga isla sa Spratly Islands—na halos lahat ay inaangkin ng China.
“As to the specifics or what our specific stand will be, we need consultation with the ASEAN and other claimant states,” sabi ni Cayetano.
Sa ngayon, ayon kay Cayetano, isang positibong hakbangin ang inaasahang pagsisimula ng negosasyon sa Code of Conduct (COC), ang pangangalaga sa mga yamang-dagat, at ang pagpapahintulot sa mga mangingisda sa maghango para sa kanilang pagkakakitaan.
Sinabi rin ng kalihim na pareho ring nagbigay ng katiyakan ang Pilipinas at China na mauuwi sa anuman ang usapin makaraang magkausap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping sa sidelines ng katatapos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa Vietnam.